Bago pa mauso ang mga online games, madalas nasa kalsada ang mga bata dahil naglalaro ng tumbang preso, patintero, tagu-taguan o chinese garter.
Ang iba inaabot ng dilim sa kalsada hangga’t walang natataya o nananalo.
Dahil sa larawang ibinahagi ni Renz Kilmer sa kanyang Twitter account, ’tila napa-throwback ang netizens sa iba’t-ibang larong Pinoy.
Makikita sa litratong aliw na aliw ang mga kabataan habang naghahabulan at nagluluksong baka sa kalye.
“Masaya pa kesa online games,” mensaheng ibinida ni Kilmer.
masaya pa kesa online games 💛 pic.twitter.com/HKCvnfQ1Gv
— ᴿ ³ ᴺ ᶻ (@RenzKilmer) June 14, 2019
Bigla naman nagflashback sa ilang social media users ang kanilang pagkabata.
“damn. i miss :(( kaya ako nagkasugat ng malaki dahil sa inyo HAHAHHAHA”
“good old days hahaahahha”
“Nakita ko yung mga pamangkin ko na dalaga na at mga kaibigan nya naglalaro sila nyan sa tabing dagat habang umulan , tapos ang matatalo pala na team ang mapaparusahan”
Sa ngayon, mahigit 30,000 netizens ang naka-miss ng ganitong klaseng laro.