VIRAL | Mahigit 100 kambing, lumusod sa isang komunidad sa Idaho

Idaho – Usap-usapan ngayon sa social media ang paglusob ng mahigit 100 kambing sa isang komunidad sa Boise, Idaho.

Pero sa halip na magalit ang mga residente, marami ang natuwa at kumuha pa ng video at larawan dahil hindi na nila kailangang magtabas ng damo sa bakuran at gilid ng kalsada.

Ang video ay mabilis na kumalat sa internet at umani ng nakakatuwang comments, memes at sari-saring captions.


Ayon kay Kristine Schellhaas, bagaman at ikinagulat at ikinabahala ng ilan ang naging sitwasyon, marami pa rin ang naka-appreciate ng pangyayari.

Nabatid na nagmula ang mga kambing sa rent-a-goat business at aksidenteng nakapuslit mula sa fence kaya nakarating sa Boise, Idaho.
Agad namang sinundo ang mga ito ng may-ari at isinakay sa malaking service vehicle para sa mga hayop.

Facebook Comments