VIRAL: Matandang nag-aabang ng jeep, ginulpi ng 2 ‘lasing na tanod’

CCTV footage from Richard de Guzman

Viral ngayon online ang video ng pananakit ng dalawang barangay tanod sa isang matandang lalaki sa Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.

Sa CCTV footage na nakalap ni Richard de Guzman, anak ng biktima, makikitang nilapitan ng mga nagpakilalang kawani ang tatay niya habang naghihintay ng jeep sa Sierra Madre Street, malapit sa Crossing.

Bigla siyang kinausap ng dalawa hanggang sa tapikin ng isa sa kanila ang sumbrero ng matanda.


Ilang sandali pa, wala siyang awang sinampal, sinuntok, at sinakal pa ng mga pasaway daw na tanod.

Ayon pa kay de Guzman, lasing ang mga nambugbog sa kaniyang ama.

Galing raw ang padre de pamilya sa Tanza, Cavite at pauwi na sana sa bahay nang mangyari ang insidente noong umaga ng Disyembre 12.

Ibinahagi niya ang karanasan ng ama sa social media sa pagbabakasakaling makakam

“Humihingi po ako ng tulong sainyo na sana po’y mabigyan ng leksyon itong dalawa na to sa ginawa nila sa tatay ko dahil para sakin di lang sapat na maalis sila sa pagiging tanod sa inabot ng tatay ko sa kamay nilang dalawa.

Please po need ko po ng tulong nyo para di narin po mangyari sa iba nangyari sa tatay ko. Salamat po,” panawagan ng binata.

Iniimbestigahan na ngayon ng pamahalaang-lungsod ang naturang pangyari at tiniyak na pananagutin ang mga taong nasa likod ng panggugulpi.

Facebook Comments