VIRAL: Mga pulis nagbigay ng inuming tubig sa mga nagkikilos-protesta

Image via Enlightened PINOY FB page

Madalas makabangga ng mga militateng grupong sa kanilang rally ang kapulisan. Minsan, umaabot sa puntong nagkakasakitan sila para may umalis sa lugar.

Pero sa pagkakataong ito, ’tila naging kaibigan ng mga awtoridad ang mga rallyista.

Viral ngayon sa social media ang litrato ng mga pulis na nagbibigay ng bottled mineral water sa mga nagkikilos-protesta.


Bagamat hindi malinaw kung kailan o saan ito kinuhanan, hindi maikakaila ang malasakit na ipinamalas ng pulisya.

Banat ng Facebook page na Enlightened Pinoy, “Ngayon uhaw na uhaw kayo sa kakasigaw kahit puro sigaw ninyo pambabatikos sa gobyerno. Asan na ang pondo ng rally ninyo!!? Wala binulsa na ng mga kataas-taasan sainyo.”

Umulan naman ng paghanga mula sa netizens ang comment section ng nabanggit na page.

Screenshot via Enlightened PINOY FB Group

Sa ngayon, umabot na ito sa mahigit 4,500 likes at 10,000 shares.

Facebook Comments