VIRAL: Motor ng mga traffic enforcer, sinagasaan ng sinitang SUV driver

Screenshot captured from Rhemiel Mendoza video on Facebook.

Viral ngayon sa social media ang pananagasa ng isang SUV driver sa motorsiklo ng mga naninitang traffic enforcer sa Mandaluyong City.

Sa kuhang bidyo ni Rhemiel Mendoza, makikitang pilit binubuksan ng mga enforcer ang magkabilang pinto ng sasakyan habang nakaharang ang motorsiklo nila.

Pero sa halip na bumaba ang drayber, pinaandar niya ang kotseng minamaneho at sinagasaan ang mga motorsiklong nakaharang.


Tuluyang nakatakas ang tsuper na kinilalang si Maria Vanessa Roldan Ponce, 38-anyos.

Ayon sa Mandaluyong City Police, nasita si Ponce matapos mag-counterflow sa kahabaan ng Shaw Boulevard nitong Lunes ng gabi.

Nagmamatigas umano ang babae habang kinakausap ng enforcer na si Crisanto Santos hanggang nauwi sa pananagasa.

Haharap sa patong-patong na reklamo si Ponce at inutos na din ng lokal na pamahalaan na i-revoke ang kaniyang lisensya.

Facebook Comments