Viral na Ostrich sa QC, niluto bilang adobo matapos mamatay

Niluto na at ginawang adobo ang isa sa dalawang ostrich na nag-viral at nakawala sa Quezon City.

Ayon kay Atty. Charlie Pascual, legal counsel ni Jonathan Cruz, ang may-ari ng mga ostrich, namatay sa stress ang isa sa mga alagang ostrich.

Inilibing aniya ng dalawang caretakers ang mga labi ng Ostrich noong nakaraang linggo.


Napag-alaman na lamang nila sa sumunod na araw na ginawang adobo pala ng dalawang caretakers ang namatay na ostrich sa kadahilanang nasasayangan sila kung ililibing ito.

Humihingi ang may-ari ng ostrich ng paumanhin sa publiko dahil maraming tao ang naapektuhan ng insidente.

Ang mga Ostrich ay binili ni Cruz mula sa Philippine Ostrich and Crocodile Farm Inc. sa Misamis Oriental at plano niyang magbukas ng farm sa Nueva Ecija kung saan doon sana ililipat ang mga ito.

Hindi niya mailipat ang mga Ostrich bunga ng quarantine restrictions sa labas ng Metro Manila.

Pagtitiyak ng abogado sa publiko na naaalagaan ni Cruz nang maayos ang mga Ostrich at ikinokonsidera nilang livestock at hindi wildlife.

Para kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, ang Ostrich ay hindi isang domesticated animal at sakop pa rin ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.

Ang pagkatay at pagkain ng Ostrich ay pinapayagan sa ilalim ng mga kasalukuyang batas.

Facebook Comments