Maraming netizen ang naging emosyonal sa kuwentong ibinahagi ng isang ina tungkol sa ginagawa ng anak para maipagamot ang sarili.
Sa Facebook post ni Crizalyn Moreno noong Sabado, sinabi nitong nadurog ang kaniyang puso matapos madiskubreng iniipon ng 6-taong gulang na batang lalaki ang baong ibinibigay para may pambayad sa espesyalistang susuri ng mata niya.
Kuwento pa ni Moreno, madalas ma-bully sa paaralan ang supling dahil duling at bulag ang isang mata nito.
“Nakaka durog naman ng puso ang anak ko, pinapagalitan ko lagi pag nakikita kong malinis ang tasa niyang dinadala sa school dahil inisip ko binibili niya lang ng kung ano-ano ang binibigay kong P10 araw-araw para sa soup niya,” status ng ginang sa Facebook account.
Aniya, madalas siyang tanungin ng musmos kung paano makakapagtrabaho ng maayos, gayon may kapansanan ito sa paningin.
Pangarap umano ng bata na bilhan sila ng magandang bahay at magarang sasakyan.
Bunsod nito, dumagsa ng tulong mula sa social media users na nais makatulong sa munting anghel.
“Ang bait na bata! Marunong na mag ipon para lng maipacheck up ang mga mata niya! Sana matulungan ka ng kahit sino sa kanila.”
“Ilan taon n sya sis kakatuwa naman sya s gnyang ided nya naiisip n nya mg ipon para sknya at para makatulog sayo sis ..”
“Sana me makakita eye doctor sa yo para ma check eye mo. In Jesus Name, AMEN”
Batay sa lokasyon ni Moreno sa Facebook account, nakatira ang mag-ina sa Uson, Masbate.
Umabot na sa mahigit 80,000 views and shares ang bidyong pinost ni Moreno