VIRAL: Pagkanta ng batang babae tungkol sa sabong, patok sa netizens

14609

Bumibida ngayon sa internet ang awitin ng isang batang babae hinggil sa sabong na madalas niyang marinig sa mga kapitbahay.

Sa bidyong inupload ni Jaira Mendoza Escueta, mapapanood na kinakanta ng musmos na si Briela Ramos ang parody rendition ng klasikong tugtugin ni Anne Murray na “Just Another Woman in Love”.


Ang kinagigiliwang awit, pinamagatang “Manok na Pula”.

 

Ayon sa uploader na pinsan ng paslit, paboritong libangan ni Briela ang pagkanta at pag-video sa sarili.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 2.6 million views ang “Manok na Pula” version ni Ramos.

Facebook Comments

From Advertisers