VIRAL | Pagsunog sa bag ng mga estudyante sa isang private school sa Bicol, viral sa social media

Bicol – Viral sa social media ang isang video kung saan makikita ang mga estudyante na pinanonood na lamang na nasusunog ang kanilang bag.

Ito ay matapos kumpiskahin ng mga opisyal ng Bicol Central Academy ang bag ng mga estudyante dahil sa paglabag sa kanilang ‘no-bag policy’.

Makikita sa video ang isang lalaki na sinasabing school official na galit na galit at pinagsisigawan ang mga estudyante habang nasusunog ang mga bag.


Kwento ng netizen na si Earl Vincent sa kanyang Twitter – ipina-utos ng ‘head’ ng kanilang alma mater na sirain ang mga bag na may lamang school items, damit at gadgets tulad ng cellphone at laptop.

Dagdag pa ni Earl – ang ‘no-bag policy’ ay patakarang ipinatutupad ng kanilang eskwelahan kapag isinasagawa ang school event na tinatawag na ‘Tasumaki Day’ kung saan ilang high school students ang pansamantalang hahalili sa kanilang mga guro.

Samantala, wala pang inilalabas na official statement ang Bicol Central Academy hinggil dito.

Facebook Comments