VIRAL: Pagtulong ng pulis-Itbayat sa matandang lalaki

Courtesy Itbayat Police Station

Bukod sa mala-paraisong tanawin, kilala ang lalawigan ng Batanes dahil sa mga residenteng matapat at may malasakit sa kapwa.

Ganito ang ugaling ipinakita ng isang pulis-Itbayat matapos tulungan ang namataang lolo na halos nakahiga na sa kalsada.

Sa larawang ibinahagi ng Itbayat Police Station noong Martes, makikita ang kabutihang ginawa ni tsip sa kaawa-awang matanda.


Kuwento ng uploader, habang nagpapatrolya ang isa nilang miyembro, napansin nitong tila nakahandusay na sa kalye ang matandang lalaki at hirap bumangon.

Binuhat ng pulis si lolo at isinakay sa kaniyang motorsiklo para maihatid pauwi sa tirahan nito.

Umulan naman ng papuri mula sa publiko ang good samaritan na pulis.

Comments from Itbayat PS FB page

 

Facebook Comments