Viral party sa isang bar sa QC, iniimbestigahan na rin ng DILG

Iniimbestigahan na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isa na namang COVID-19 ‘superspreader’ event sa Quezon City.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, nagpadala na sila ng tauhan para imbestigahan ang party sa isang bar na dinaluhan ng ilang social media influencer.

Tiniyak naman ng DILG na bukod sa may-ari ng bar ay mananagot din sa insidente ang kapitan ng barangay na nakakasakop dito.


Katunayan ayon kay Diño, walong barangay chairman na ang kanilang sinuspinde dahil sa mga paglabag sa mass gatherings kabilang ang kapitan na nakakasakop sa kontrobersyal na Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan.

Facebook Comments