VIRAL | Patong-patong na kaso, isinampa laban sa babaeng nanampal ng taxi driver

Manila, Philippines – Sinampahan na ng patong-patong na kasong kriminal sa Quezon City Prosecutors Office ang kontrobersyal na si Cherish Charmaine Interior 31-anyos na call center supervisor.

Si Interior ay nag-viral sa social media matapos makuhanan ng video nang sampalin at pagmumurahin nito ang 52-anyos na taxi driver na kanyang nakagitgitan sa Congressional Avenue Quezon City.

Ayon kay Atty. Ariel Inton presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, kasong unjust vexation, malicious mischief at damage to property ang isinampang kaso kay Interior.


Nanindigan si Virgilio Doctor na dapat maturuan ng leksyon si Interior para hindi pamarisan ng ibang motorista na mainitin ang ulo at mapanganib sa lansangan.

Sinabi pa ni Atty. Inton, hihilingin din nila sa LTO na patawan ng agarang preventive suspension ang lisensya sa pagmamaneho ng babaeng suspek.

Sa reklamo ng taxi driver, pinagpapalo ng golf club ni Interior ang kanyang taxi at walang habas na pagmumurahin hanggang sa suntukin siya nito sa panga matapos makagitgitan ang kotse ng babaeng motorista.

Facebook Comments