Viral performance ng isang drag queen, kinokondena ng isang senador

Ikinagalit ng husto ni Senator JV Ejercito ang viral video ng isang drag queen na nagpe-perform sa saliw ng dasal na “Ama Namin”.

Umani ng batikos mula sa mga debotong Katoliko ang viral performance ng drag queen na si Pura Luka Vega na nagdamit at nakaayos bilang isang Itim na Nazareno at sumasayaw at kumakanta ng Lord’s prayer na Ama Namin sa isang bar habang nakiki-jamming din ang mga audience nito.

Hindi nakalusot sa senador ang nasabing viral performance na tinawag ni Ejercito na ‘blasphemy’ o paglapastangan sa Diyos.


Giit ni Ejercito, ang ginawa ng drag queen ay sumosobra na at malinaw na pambabastos ito sa pananampalataya niya at ng lahat ng mga Kristiyano.

Pinag-aaralan na ng mambabatas ang pagpapaimbestiga sa nasabing viral video.

Facebook Comments