Viral Photo ng Ilang Kawani ng Gobyerno na Nagtatagay sa Kabila ng Liquor Ban, Paiimbestigahan

Cauayan City, Isabela- Paiimbestigahan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng bayan ng San Mariano ang viral photo ng isang empleyado nito kasama ang ilan pang indibidwal na nagtatagay habang nagmomonitor ng lebel ng tubig sa kabila ng umiiral na liquor ban sa Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Carlos Taguba, Municipal Disaster Risk Reduction Officer ng San Mariano, hindi aniya nila ipagsasawalang bahala ang kumakalat na larawan ng kanilang kasamang drayber na sinasabing kabilang sa mga nagtatagay sa larawan kaya’t makikipag-ugnayan din ang ahensya sa hanay ng pulisya para sa gagawing imbestigasyon.

Ayon kay Ginoong Taguba, naka day-off aniya sa naturang araw ang kanilang drayber na si Mr. ‘Guzman’ nang siya ay makunan ng larawan kasama ang isa pang anak ng Kapitan ng Brgy. Sta. Filomena.


Kung mapatunayan aniya na lumabag sa batas ang kanilang kasama ay kinakailangan nitong harapin ang kanyang magiging kaso.

Facebook Comments