Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Education (DepEd) matapos mag-viral ang larawan ng test questionnaire na binaboy ng estudyante.
Imbes na sagutan ang pagsusulit, nilagyan ng puso at ginuhitan ng kabastusan ang test paper at saka in-upload sa social media.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, malinaw na may paglabag sa insidente dahil walang pagsusulit na pinapayagang gumamit ng cellphone.
Dahil dito mananagot ang estudyante at proctor ng exam na posibleng masuspinde at mabawasan ang sahod.
Kabilang sa nalabag ang DepEd Order 55 o Bridge of Security in National Security.
1.4 milyon na Grade 12 student ang kumuha ng Basic Education Exit Assessment (BEEA) noong isang linggo.
Sinusukat dito ang sistema ng pagtuturo at walang epekto ang resulta ng exam sa grado ng estudyante.