VIRAL | Pitong bumbero sa iisang fire department, sabay-sabay naging daddy sa parehong taon

Oklahoma – Mabilis na nag-viral sa social media ang larawan ng pitong bumbero sa Glenpool, Oklahoma karga ang kanilang mga baby.

Ang nakakatuwa rito, pare-pareho silang naging ama sa loob ng parehong taon!

Kwento ni Melanie Todd, misis ng bumberong si Dusty simula nang magkasama-sama ang pito sa trabaho, itinuring na nilang pamilya ang isa’t-isa.


Pero hindi raw kasama sa plano nila na sabay-sabay na magkaanak sa parehong taon.

Halos magkakasunod lang ang edad ng kanilang mga anak, 4 months ang pinakabata habang 1 year and 3 months ang pinaka-matanda.

Masaya naman daw sila dahil marami ang natuwa sa ibinahagi nilang larawan na tamang pampa-good vibes sa news feed ng mga netizens.

Facebook Comments