VIRAL! | Pothole sa isang kalsada sa Toronto, Canada – tinaniman ng kamatis

Canada – Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang pothole sa kahabaan ng Avenue Road sa Toronto, Canada.

Ang pothole na ilang buwan na raw nakatengga, tinaniman ng kamatis!

Naubos na raw kasi ang pasensya ng mga residente sa lugar dahil ilang beses na nilang ipinanawagan sa kanilang city government ang problema pero hanggang ngayon ay walang naging aksyon dito.


Marami raw tuloy ang napipilitang maglakad na lang dahil sa matinding traffic na idinudulot ng pothole.

Dahil dito, tinaniman na lang daw nila ito kamatis bilang protesta at katunayan, namunga na ito at malapit nang mahinog!

Sabi naman ni Toronto Mayor John Tory – sinimulan na nila ang proseso ng paglilipat sa halaman sa community garden kung saan ito mabubuhay at aayusin na raw nila ang malaking butas sa kalsada.

Facebook Comments