Pinagpiyestahan sa social media ang presyo ng isang tabo na binebenta ng kilalang Japanese household supplies store.
Sa post ng Muji Philippines, ibinida nila ang umano’y kakaibang tabo at mabibili sa halagang 365 pesos.
“This is not your ordinary bath dipper. Aside from its clean and simple design, the angle of its handle is designed to make it easier to scoop water with less weight on hand,” mensahe ng Muji Philippines sa mga customers nito.
Iba’t-ibang reaksyon ang inilabas ng publiko ukol sa produkto ng Japanese store. Ang ibang netizens, dinaan ito sa biro.
“Guys, chill! kaya sya mahal kasi it has a built-in echo system sa hawakan na nag aamplify ng voice whenever you use it as a mic during your bathroom concert!”
“This tabo better turn my water into a miracle liquid that can cure my dandruff and pimples. Give me amazing hair and skin… and turn water into gas for the car.”
“May heater po ba ‘yung loob niyan?”
“The best tabo ever. One buhos will change your life forever.”
Samantala, meron napataas ang kilay sa presyo ng tabo.
“P365 for a tabo? No thanks I’ll just recycle a plastic tub of ice cream.”
“We have a shower so no thanks”
“Akala ata nila mauuto nila pinoy. May pa angle angle pa”
Pero hiling ng ilang social media users, huwag i-bash ang shop.
“Bago kayo mag reklamo sa re-engineered tabo sa halagang p365 (at least may effort para ma-improve yung tabo experience nyo) isipin nyo na lang ung binder clip sa collar ni James Reid $100 per piece.
“Subukan niyo muna bago niyo idismiss yung idea.”
“LEGIT QUALITY! we do have one and it really is very durable.”
Sa ngayon, umani ng mahigit 20,000 shares and views ang viral post ng Muji Philippines.