VIRAL | Sunflower queen ng Pilipinas – kilalanin!

Viral sa social media ang bahay ng tinaguriang “sunflower queen” ng Pilipinas.

Paano ba naman kasi, kahit saan ka lumingon, puno ng sunflower collections ang bahay ni Angelica Arciaga .

Nagsimula raw ito sa isang set ng kurtina at ngayon, pati pader at pintuan ng bahay niya punung-puno na ng disenyong sunflower!


Sa sala, kusina, kwarto at kahit sa banyo may sunflower… pati mga damit at accessories ni Angelica, sunflower din!

Ayon kay Angelica, suportado naman daw ng kanyang asawa at mga anak ang hilig niya sa nasabing bulaklak.

Bukod sa stress reliever na raw ito ng kanyang pamilya, para kay nanay Angelica – ang pagtingala ng sunflower sa araw ay nangangahulugan na “laging may pag-asa”.

Facebook Comments