Ipinagutos na ni Secretary Leonor Briones ng Department of Education (DepEd) sa regional director ng DepEd-Central Luzon ang agarang imbestigasyon sa isang viral TikTok video na nagpapakita ng potential ng child abuse action.
Batay kasi video, sumasayaw ang isang lalaking guro habang may caption na “Pag dumaan yung cute na student mo, tamang pa cute lang”.
Dahil dito, pinaalalahanan ni Secretary Briones ang mga guro at non-teaching personnel ng DepEd na panatilihin ang highest degree of ethical and professional standards sakanilang mga salita at action, kasama ang ang pagpo-post sa kanilang mga social media.
Ayon sa kalihim, ang guro at mga public service ay dapat maging ihimplo ng ligtas at maarugang learning environment para sa mga kabataan.
Kung saan hindi namumutawi ang physical, verbal, sexual at iba pang anyo ng pangaabuso at diskriminasyon.
Giit ni Briones na ang DepEd ay isang institusyon na nagbibigay proteksyon sa mga karapatan ng bawat Pilipinong mag-aaral at hindi papayagan ang ano mang pang-aabuso sa mga kabataang mag-aaral.