
Iginiit ni FPJ Panday Bayanihan Party-list Rep. Brian Poe ang kahalagahan na maipasa ang Revised Animal Welfare Act.
Mensahe ito ni Poe makaraang mag-viral ang video ng isang kabayo na nakatali sa isang tumatakbong sasakyan.
Diin ni Poe, malinaw sa video na hindi yun maituturing na bahagi ng training kundi kalupitan dahil ang kabayo ay labis na nahihirapan, walang depensa, at walang laban.
Ayon kay Poe, ang mga tao ay pananagutan sa hayop na inaalagaan niya.
Sa ilalim ng panukala ni Poe ay mas pinalalakas ang depinisyon ng animal cruelty at ang kapangyarihan ng mga awtoridad sa pagpapatupad nito.
Kapag naisabatas ang panukala, ang sinumang lalabag ay papatawan ng kulong na isa’t kalahating taon hanggang apat na taon at pagmumultahin ng P100,000 hanggang ₱250,000.










