VIRAL: Video ng magkaibigan na tinutulungan ang batang may cerebral palsy

Screenshot via Tin-tin Lopez on Facebook

Viral ang video ng magkaibigan na tinutulungan ang isang batang may cerebral palsy na umani ng reaksyon sa mga netizen nitong Hunyo 25.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Tin-tin Lopez, mapapanood sa video na hinahatian ng magkaibigan na si Yuan at Kari si Hans, na may cerebral palsy.

Ang tatlong bata ay nasa ilalim ng pamamahala ni Christine Lopez, SPED class sa Mouaque Resettlement Elementary School sa Mabalacat, Pampanga.


Hinangaan naman ng mga netizen ang pagkukusa ng dalawang bata. Sinabi naman ni Christine na palagi niyang sinasabi sa dalawa na kausapin ito ngunit noong araw na iyon ay nagkusa lamang ang dalawa.

Ang cerebral palsy ay disorder kung saan may abnormal na galaw, posture na hindi na-develop nang maayos ang utak ng isang indibidwal.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 722,00 views, 17,000 reactions at 18,000 shares.

Facebook Comments