Dinipensahan ni Makati Mayor Abigail Binay ang nurse sa kumakalat na video na maling pagtuturok nito ng COVID-19 vaccine sa isang residente sa isa sa vaccination site ng Makati City.
Ayon kay Binay, human error ang nangyari at humingi na ng paumanhin ang volunteer nurse.
Nauunawaan naman ni Binay ang sitwasyon ng volunteer nurse kasabay ng kaniyang apela sa publiko na itigil na ang reposting, sharing at pampa-bash sa nurse at sa vaccine program ng syudad.
Nilinaw rin ni Binay na agad namang naturukan ng bakuna ang ginang sa viral video.
Matatandaang una nang nagpalabas ng pahayag ang Department of Health (DOH) kaugnay sa video kung saan iniimbestigahan na nito ang nangyari.
Facebook Comments