Viral video ng pagbabakuna sa Makati, dapat imbestigahan ng IATF

Para kay Senate President Tito Sotto III, mahalaga na agarang maimbestigahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang nag-viral na video na kuha umano sa isang vaccination center sa Makati City.

Sa nabanggit na video ay makikita na itinurok lang ang karayom ng heringgila pero hindi naman ito nai-press kaya walang natanggap na bakuna ang recipient.

Ayon kay Sotto, may mga ganito ring mga reklamo sa ibang Local Government Units (LGUs).


Paliwanag ni Sotto, mahalagang malaman kung sinadya ba ito o kapabayaan ng mga nagbabakuna at kung kinakailangan ay dapat i-sanction ng IATF ang sangkot sa ganitong kapalpakan.

Facebook Comments