Virtual banking sa bansa, ipinapa-regulate sa Kamara

Manila, Philippines – Pinapa-regulate ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Represetative Joey Salceda ang virtual banking system sa bansa.

Sa inihain nitong House Bill 5913, tinukoy nito na ang pagkakaroon ng regulatory framework para sa virtual banks ay magpapalakas ng financial inclusion thrust na nais ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Makakahikayat aniya ito ng pagtaas sa virtual banking industry na posibleng umabot sa P903 Billion.


Sa pagtaya ni Salceda, magpapataas mula sa pagitan ng 2.83% hanggang 4.34% ang share sa virtual only banking na kabuuang assets ng universal at commercial banks.

Bukod sa pagkakaroon ng regulasyon, layon din ng panukala na makapagbigay ng proteksyon sa mga consumers kabilang ang deposit insurance at mga hindi awtorisadong transaksyon.

Paliwanag ng mambabatas, ang virtual banking ay isa sa latest innovations sa financial services dahil sa pagiging accessible sa digital platforms tulad ng mga mobile phone applications.

Facebook Comments