Kalaboso ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group ang isang 23-taong gulang na graduating college marine student mula sa San Isidro, Laug, Mexico Pampanga na inireklamo ng kanyang dating kasintahan.
Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) Spokesperson PLt. Michelle Sabino, nakipaghiwalay ang biktima sa suspek dahil pakiramdam nito ay binabastos siya kapag pinapagawa siya ng “virtual sex” ng suspek.
Ang suspek ay naaresto sa entrapment operation sa loob ng isang hotel ng Regional Anti-Cybercrime Unit.
Base pa sa salaysay ng biktima, pinapagawan siya ng kahalayan kapag sila ay nag-uusap online kaya’t nagdesisyon ang biktima na magsumbong sa PNP-ACG.
Aniya, nagbanta pa ang suspek na ikakalat ang video niya kapag hindi siya nakipagbalikan sa suspek.
Kasunod nito nag-paalala ang PNP na maging ma-ingat sa pagpapadala ng mga maseselang litrato o video ng sarili online, dahil maari itong magamit na pang-blackmail.