Naging malaking tagumpay ang ginanap na new normal virtual concert ng Manila Symphony Orchestra noong Biyernes, October 30, na napanood sa official Facebook page ng Ayala Museum.
Ang virtual concert ay isang charity project na layon magbigay ng internet access sa bawat isang estudyanteng kabataan sa loob ng isang taon upang maitawid ang kanilang edukasyon sa panahon ng pandemya.
Tinugtog sa concert ang sampung immortal OPM songs na walang kupas at nananatiling paborito ng mga Pilipino na kinabibilangan ng Limang-Dipang Tao, Si Aida, o si Lorna, o si Fe, Anak ni Freddie Aguilar, Handog, Sana’y Wala Nang wakas, Kahit Maputi na ang Buhok Ko at Ang Huling El Bimbo.
Ang Manila Symphony Orchestra ay isa sa pinakaunang orchestra sa Asya na nagsimula taong 1926.
Malaki ang naging papel nito sa kasaysayan ng bansa lalo na’t marami silang naiambag sa mundo ng classical music.