VIRTUAL GRADUATION IPINAYO NG DEPED REGION 1

Hinikayat ng Department of Education Region 1, sa mga pampublikong paaralan na ituloy muna ang nakagawian na virtual graduation sa halip na face-to-face graduation ng mga mag-aaral ngayon nalalapit na end of school year rites simula sa June 27 hanggang July 2, 2022.
Ayon kay DepEd Region 1 Director Dr. Tolentino Aquino, sa mga nais magsagawa ng face-to-face classes, kinakailangan muna nilang idulog sa LGUs pati na rin ang paghingi ng parents consent at kung sakali na pag bibigyan ng kapahintulutan ay maari sila magsagawa ngunit dapat na siguruhin na mahigpit na susundin ang mga panuntunan ng DepEd at DOH.
Sa ngayon ay wala pa namang mga nagkokonsulta sakanila na mga paaralan sa Region 1 na planong magsagawa ng face-to-face graduation at marahil ay pinag aaralan din ng mga ito ang inilabas na memorandum ng Deped Central Office. | ifmnews

Facebook Comments