Muling nagpapakita ng suporta ang Summit Natural Drinking Water sa mga Pilipinong atleta na sasabak sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
Sa virtual press conference, naniniwala si Francheska Garcia ang Brand Manager ng Summit Natural Drinking Water na official hydration partner ng mga atletang Pinoy, sigurado siya na makakakuha ng karangalan ang mga pambato ng bansa sa nalalapit na SEA Games.
Maging si Philippines’ first Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ay nagpahayag din ng kaniyang suporta sa mga atletang Pinoy na sasabak sa 2023 Sea Games.
Nabatid kasi na hndi makakasali si Diaz sa SEA Games dahil kasabay nito ang qualifiers sa 2024 Olympics.
Patuloy naman ang ginagawang paghahanda ng kapwa weightlifter ni Diaz na si Vanessa Samo, Asian pole vault record-holder EJ Obiena, at Philippine National Women’s Football Team Filipinas para muling makakuha ng gintong medalya sa SEA Games kung saan kumpiyansa rin sila na mas maraming medalya ang maiiuwi ng mga atletang Pinoy.
Matatandaan na taong 2005 pa nang simulan ng Summit Natural Drinking Water ang pagbibigay suporta sa mga atletang Pililpino kung saan nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyan.