Virtual stamp para sa mga ie-export na tobacco products, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ni House Committee on Ways and Means Representative Jose Ma. Clemente Salceda sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na gumawa ng ‘virtual stamp’ sa mga ie-export na tobacco products.

Ayon kay Salceda, maaaring gumamit ang BIR ng ‘less visible’ security labelling na maaari lamang mabasa sa Pilipinas upang hindi na makalulusot pa ang ilang smugglers sa pagbabayad ng excise tax.

Nabatid din na halos P30 bilyon ang nalulugi ng bansa taun-taon dahil sa untaxed tobacco products sa mga pamilihan.


Facebook Comments