Virtual storytelling event ng DepEd, RMN Networks, RMN Foundation, DZXL 558 Radyo Trabaho at USAID, matagumpay!

Naging matagumpay ang National Reading Day Celebration Virtual Storytelling Event nang pinagsanib na pwersa ng RMN Networks, Inc., RMN Foundation Inc., DZXL 558 Radyo Trabaho, United States Agency International Development (USAID) at Department of Education (DepEd).

Unang nagbigay ng mensahe si Sorsogon Schools Division Superintendent Dr. Jose Doncillo, na sinundan ng iba’t ibang kinatawan ng DepEd mula sa Region 5 at Region 6.

Bukod sa kanila, nagpa-abot din ng mensahe si dating Bangsamoro Transition Commission Chairman Mohagher Iqbal na kasalukuyang Minister ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education.


Kaugnay nito, inihayag naman ni USAID Philippines Deputy Director of the Office of Education Ms. Jona Lai ang kahalagahan ng ganitong mga programa.

Nagpasalamat din si Lai sa kontribusyon ng RMN Networks upang maging matagumpay ang kauna-unahang partnership na ito.

Ganito rin ang mensahe ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio para sa kanilang mga naging katuwang sa event.

Sa mensahe naman ni Radio Mindanao Networks (RMN) Chairman at President Eric S. Canoy, sinabi niya na ang mga ganitong programa ay bahagi ng inisyatibo ng RMN Networks, Inc., para makatulong sa pagbibigay ng edukasyon sa mga Pilipino sa pamamagitan ng higit 60 AM at FM stations sa buong bansa.

Sina Miss Universe 4th runner up Billie Hakenson at Miss Sorsogon Maria Isabela Galeria ang nanguna sa storytelling kung saan game na game sumagot ang mga bata sa mga tanong ng dalawang beauty queen.

Samantala, tumayong facilitator at host si Usapang Trabaho anchor Ramcy Tirona.

Facebook Comments