Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na naging plateau o hindi nagbago ang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease sa Brazil, na isa sa pinakaapektadong bansa.
Ayon kay WHO Health Emergencies Programme Executive Director Michael Ryan, ang Brazil ang ikalawa sa pinakaapektadong bansa na may mahigit 2.1 milyon na nagpositibo sa COVID-19 habang nasa 77,000 naman ang bilang ng mga nasawi.
Sa kabila nito ay nananatiling pantay ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa nabanggit na bansa.
Dagdag pa ni Ryan, wala pa ring kasiguraduhan kung bababa ang transmission pero ang pagkakataon na makuha ng Brazil ang pantay na bilang sa kaso ng COVID-19 ay posibleng magtulak para makontra at masugpo ang virus.
Samantala, naka-quarantine na ngayon si Brazilian President Jair Bolsonaro matapos dalawang beses magpositibo sa COVID-19 test.