
Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang consultancy firm sa Ortigas, Pasig City.
Ito ay dahil sa sinasabing pagkakasangkot ng Visa to America Manila Inc. sa illegal recruitment sa pamamagitan ng pag-aalok sa Pinoy workers ng teaching jobs sa Amerika sa kabima ng walang accreditation mula sa pamahalaan.
Kasabay nito, ipinasara ng DMW pito pang sangay ng nasabing visa consultancy firm sa Visayas at Mindanao.
Nabatid na nag-aalok ito ng trabaho sa Amerika bilang guro at hospitality workers sa US kapalit ng sweldo ng USD 40,000 hanggang USD 100,000.
Ayon sa DMW, masyado ring mataas ang J1 at H1B visa packages na inaalok nito sa mga aplikante sa halagang $5,400 hanggang $8,500
Facebook Comments









