Visa extension at shopping incentive, target na gawin ng Taiwan para makaakit ng Filipino tourists

Target na gawin ng Taiwan Tourism Board ang posibilidad na palawigin ang 14-day visa-free entry hanggang 2025 para sa mga Pilipinong gustong magpunta sa nasabing bansa.

Matatandaan na ang Taiwan ay isa sa mga pinakabinibisitang bansa ng mga dayuhang turista, kabilang ang mga Pilipino na target na 225,000 tourist bago matapos ang 2023.

Ayon kay Emily Huang, Deputy Director ng Taiwan Tourism Bureau, pinag-aaralan na umano nila ang 14-days na visa-free stay at tumanggap pa ng mas maraming Pilipino roon.


Una nang sinubukan ng gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taipei, na hikayatin ang mga Taiwanese national na bumisita sa naturang lugar.

Samantala, upang mahikayat pa magsasagawa ang Taiwan Tourism Board ng raffle na 5,000 New Taiwan Dollars o katumbas ng halos P9,000 sa lahat ng mga bumibisita sa naturang bansa.

Facebook Comments