Manila, Philippines – Payag na ang Taiwan na ipatupad ang visa-free entry sa kanilang bansa ng mga Filipino sa pag-asang magpapatupad din ang Pilipinas ng free-visa entry para sa mga Taiwanese.
Gayunman, ang Taiwanese Foreign Ministry ang magde-desisyon kung ipatutupad ang naturang polisiya sa Oktubre o Nobyembre.
Una nang inanunsyo ng Taiwan noong hunyo ang visa-free policy para sa Pilipinas pero ipinagpaliban.
Walang formal diplomatic relations ang Taiwan at Pilipinas dahil kinikilala ng Philippine government ang ‘one china’ policy.
Facebook Comments