VISA | Sister Fox, binigyan ng temporary visitor’s visa ng BI

Manila, Philippines – Mula sa missionary visa, downgraded ngayon ng Bureau of Immigration (BI) sa temporary visitor’s visa ang visa ni Australian nun Sister Patricia Anne Fox.

Limampu’t siyam na araw na validity ang pinagkalooban ng BI na temporary visitor’s visa kay Sister Fox.

September 5 nang ma-expire ang missionary visa ni Sister Fox at nabigo siyang makakuha ng extension.


Sa hiwalay naman na deportation order kay Sister Fox, inihayag ng BI na hinihintay pa nila ang magiging desisyon ng Department of Justice (DOJ) matapos na iapela ito sa DOJ ng Australian missionary.

Facebook Comments