Visa Upon Arrival para sa mga Chinese nationals, inaprubahan ng Bureau of Immigration

Manila, Philippines – Bunsod ng patuloy na gumagandang samahan sa pagitan ng Pilipinas at ng China.

Inilunsad ng Bureau of Immigration ang Visa Upon Arrival (VUA) para sa mga Chinese nationals.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente bukas ang nasabing programa para sa mga Chinese nationals na kasapi ng tour groups na inorganisa ng Dept of Tourism, businessmen na inindorso ng local and foreign chambers of commerce maging ang mga atleta at delegado na lalahok sa iba’t ibang kumprehensya at kumpetisyon.


Sinabi ni Morente na layon nitong i-organisa ang pagpasok at paglabas sa bansa ng mga chinese na paniguradong makakadagdag ng mga turista at investors mula China.

Ang nasabing programa ay ipatutupad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang international airports na kinabibilangan ng (Clark, Mactan, at Kalibo) at mga seaports sa (Manila, Puerto Princesa, Subic, Laoag, at Caticlan)

Sa nasabing patakaran maaaring mapalawig ang pananatili ng mga Chinese nationals sa bansa mula 30 araw o isang buwan hanggang 6 na buwan.

Ang sinumang interesado ay kinakailangang nagtataglay ng balidong pasaporte at return tickets at kinakailangan ding wala ang kanilang pangalan sa blacklist ng immigration.

Ang aplikasyon para sa VUA ay kinakailangang maihain 10 araw bago ang petsa ng pagdating nila sa Pilipinas at kapag naaprubahan ng BI ipapakita lamang nila ang VUA sa immigration officer.

Sa pagtaya ng Immigration nasa kalahating milyon kada taon ang bumibisitang Chinese nationals sa bansa at inaasahang papalo pa ito ng isang milyon sa mga susunod pang taon.

Facebook Comments