
Tiwala ang National Bureau of Investigation o NBI na mahahanap at maaaresto nila dito sa Pilipinas ang negosyantenh si Charlie “Atong” Ang.
Ayon sa NBI, may iba pang mga lead na sinusundan ang ahensya para mahanap ang number 1 most wanted person na gaming tycoon.
Sinimulan na rin ng NBI na salakayin ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao na batay sa kanilang natatanggap na mga impormasyon.
Pero hindi muna idinetalye ng NBI ang kanilang isinasagawang operasyon.
Nabatid na sa huling operasyon ng NBI dito sa Metro Manila, bigong makita si Ang sa dalawang bahay sa isang exclusive subdivision sa Makati City na umano’y tirahan ng mga anak ng negosyante.
Facebook Comments










