Nakapreposisyon na ang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) ng Visayas Command ng Philippine Army hinggil sa inaasahang epekto ng Bagyong Pepito.
Ayon kay Lieutenant General Fernando Reyeg, commander ng VisCom, naka-heightened alert na ang kanilang HADR teams lalo na sa Eastern Visayas na posibleng hagupitin ng bagyo.
Sinabi pa ni Reyeg na naka-standby na rin ang kanilang rescue gears, mobility, at communication assets sa mga strategic areas upang mabilis itong mai-deploy sa mga lugar na kailangan ng agarang responde.
Panghuli, umaapela si Gen. Reyeg sa publiko na maging alerto at sumunod sa abiso ng mga awtoridad para makamit ang zero casualty sa pagtama ng Bagyong Pepito sa rehiyon.
Facebook Comments