Visayas Grid, ilalagay sa Yellow Alert ngayong araw dahil sa manipis na reserba ng kuryente – NGCP

 

Isasailalim sa Yellow Alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Visayas Grid ngayong araw May 15, 2024, dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Base sa abiso ng NGCP ngayong umaga, ilalagay sa Yellow Alert ang Visayas Grid simula ala-una ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Ayon sa NGCP, isang planta kasi ang nagkaroon ng forced outage simula noong 2022 habang 2 planta ang tumatakbo sa pagitan ng January at March 2024. 14 power plants naman sa pagitan ng April at May 2024 habang 5 ang tumatakbo sa derated capacities, dahilan para maging unavailable ang 613.3MW


Nabatid na ang Yellow Alert ay nilalabas kapag ang operating margin ay hindi sapat para sa contingency requirement ng Grid.

Facebook Comments