
Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Yellow Alert status ang Visayas grid kagabi dahil sa manipis na suplay ng kuryente.
Ang yellow alert ay itinataas kapag mas mababa ang suplay ng kuryente kaysa sa karaniwan dahil sa pagnipis ng mga reserba.
Nagsimula ito dakong alas-6:00 ng gabi at nagtagal hanggang alas-7:38.
Ang dahilan ng Yellow Alert status ay ang force outage ng 11 na planta mula Abril hanggang Agosto habang may anim pang power plants ang hindi na gumagana noon pang 2023.
Kabilang sa mga factors na nakadagdag sa Yellow Alert status ay ang maraming power plant ang nagsagawa ng unplanned o forced outages at de-rated capacities.
Kabilang din dito ang mataas na system demand.
Samantala, nasa normal namang kondisyon ang Luzon at Mindanao grid.









