Visayas grid, isasailalim sa yellow alert status mamayang hapon dahil sa epekto ng 6.9 magnitude na lindol

Nakatakdang isailalim sa yellow alert status ang Visayas grid mamayang hapon.

Ang yellow alert ay itinataas kapag mas mababa ang suplay ng kuryente kaysa sa karaniwan dahil sa pagnipis ng mga reserba.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ang yellow alert ay magsisimula dakong alas-1 ng hapon hanggang alas-12 ng hatinggabi mamaya.

Ang dahilan ng yellow alert ay dahil sa force outage sa 27 na planta na naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol.

Ang 16 sa mga planta ay hindi na available bago pa man ang lindol incident habang ang isang planta ay pinapagana pero sa pamamagitan ng derated capacity.

Samantala, ang Luzon at Mindanao grid ay nasa normal namang kondisyon.

Facebook Comments