
Muling itataas ang yellow alert status sa Visayas grid mamayang hapon dahil sa manipis na reserbang kuryente.
Ang yellow alert ay itinataas kapag mas mababa ang suplay ng kuryente kaysa karaniwan dahil sa pagnipis ng mga reserba.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ipatutupad ang yellow alert bandang alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Dahilan ng pagpapatupad ng yellow alert ang force outage ng siyam na planta sa pagitan ng April hanggang November ngayong taon; apat mula 2024 at dalawang iba pang power plants ang hindi gumagana noon pang 2023.
Habang 18 ang operational pero limitado lamang ang kapasidad.
Kabilang pa sa mga dahilan ang pahpalya ng TVI 2 (169MW).
Samantala, nanatili namang normal ang kondisyon ng Luzon at Mindanao grid.









