Visayas grid status, inilagay sa Yellow Alert dahil sa forced outage ng 20 na planta

Muling isinailalim sa Yellow Alert status ang Visayas grid ngayong araw, April 23 mula kaninang ala-una ng hapon hanggang alas-otso ng gabi.

Sa abiso ng National Grid Corporation, ito’y dahil sa force outage ng 20 powerplant sa Visayas habang siyam ang nasa derated capacity.

Sa datos ng NGCP, kapos ang grid ng nasa 604.4 megawatts na supply ng kuryente.


Kung saan ang ang available capacity sa nasabing oras ay nasa 2,742 megawatts lang habang ang peak demand ay umaabot sa 2,571 megawatts.

Facebook Comments