VISIBILITY SA DOWNTOWN MANAOAG, MAS PINALAKAS KASUNOD NG INILAGAK NA KARAGDAGANG PAILAW

Mas pinailawan pa ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang business district bilang bahagi ng hakbang sa kaligtasan ng mga deboto, motorista at mamimili.

Kabuuang 80 solar street lights ang ikinabit sa bahagi ng Downtown Manaoag upang mapahusay ang kaligtasan at liwanag sa nasabing bahagi kung saan madalas ginaganap ang mga prusisyon, parada, at iba pang aktibidad.

Bukod pa rito, layong pasiglahin pa ang ekonomiya ng bayan bilang isa sa pinaka binibisitang lugar sa Pangasinan dahil sa pamosong basilica.

Pinondohan ito mula sa Seal of Good Local Governance (SGLG) Incentive na iginawad sa lokal na pamahalaan noong 2024.

Inaasahan na ang paggamit ng solar-powered lighting ay makatutulong din sa mas matipid at sustainable na paggamit ng enerhiya para sa pangmatagalang benepisyo sa mga lansangan.

Facebook Comments