VISITA IGLESIA | Mga makasaysayang simbahan at chapel sa loob ng Intramusros, bukas na sa Semana Santa

Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon mula noong World War II,
bubuksan na sa publiko para sa Visita Iglesia ang mga makasaysayang
simbahan at chapel sa loob ng Intramuros, Maynila.

Kabilang dito ang Manila Cathedral at San Agustin Church.

Ang limang chapel naman ay ang San Ignacio Church, Guadalupe Shrine sa Fort
Santiago, Knights of Columbus Fr. Willman Chapel, Lyceum of the Philippines
University Chapel at ang Mapua University Chapel.


Ayon sa Department of Tourism, bubuksan ang mga ito sa Huwebes Santo.

Magkakaroon din ng Via Crucis Stations sa General Luna Street sa Intramuros
mula Betrio hanggang Muralla.

Dahil dito, isasara muna sa mga motorista ang kalsada para bigyang-daan ang
pagdarasal.

Facebook Comments