Visiting privileges sa NBP, sinuspinde na – BuCor

Sinuspinde ng Bureau of Corrections (BUCOR), ang visitation privileges sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City at Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City simula kahapon, bilang bahagi ng protocol para matiyak ang kaligtasan ng Persons Deprived Of Liberty (PDLs) dahil sa pagkalat ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon sa datos na ipinakita ni Director General Gregorio Pio Catapang Jr., at Dra. Ma. Cecilia Villanueva Direktor ng BuCor health services, sa 407 na nasuri para sa COVID-19 noong Mayo 2, 32 ang nagpositibo at sa 174 na nasuri kahapon 16 ang nagpositibo.

Bagama’t karamihan sa mga positibong kaso ay nakakulong sa pinakamataas na kulungan, sila ay asymptomatic at nasa isolation ward na ng NBP.


Matatandaan, mayroong humigit-kumulang 18,000 PDL sa NBP maximum compound.

Samantala, tiniyak ni Catapang na higit sa 99 porsiyento ng mga PDL ay ganap na nabakunahan habang 94 porsiyento ang nakatanggap ng kanilang unang booster shot.

Facebook Comments