Vital signs screening, hindi na kailangan bago ang COVID-19 vaccination – DOH

Ihihinto na ng Department of Health (DOH) ang pagkuha ng “vital signs” sa mga indibidwal na tuturukan ng COVID-19 vaccine.

Kasunod ito ng rekomendasyon ng Philippine Heart Association (PHA) at Philippine Society of Hypertension (PSH) dahil sa mahaba at matagal na pila sa mga vaccination sites.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, inaprubahan ng National Immunization Technical Advisory Group at DOH Technical Advisory Group na hindi na suriin ang blood pressure ng mga magpapabakuna.


Aniya, ang babantayan lang ng mga vaccinators ay ang mga may history ng altapresyon at organ damage.

Bukod dito, sinabi ni Vergeire na inaatasan din nila ang vaccination sites na bumuo ng hiwalay na lane para sa mga indibidwal dapat bantayan.

Inatasan din ng DOH ang Local Government Units (LGUs) na palawigin ang kanilang vaccination sites para mas marami pang residente ang mabigyan ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments