Vitamin products para laban sa COVID-19, ni-reformulate ng isang kumpanyang Pinoy – DOST

Ipinagmalaki ng Department of Science and Technology (DOST) na may isang Tarlac-based manufacturing firm ang nag-reformulate ng kanilang Hyssop Vitamin C capsules para labanan ang COVID-19.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang I-Provide Health Food Manufacturing (IPHFM), producer ng food supplements at Vitamin C capsules ay nagawang i-reformulate ang kanilang vitamin products para tugunan ang tumataas na demand para mapalakas ang resistensya o immune system kontra COVID-19.

Ang vitamin capsule ay naglalaman ng calcium ascorbate at red acerola na kadalasang nakikita sa iba pang available products sa merkado.


Kilala ang Hyssop Vitamin C bilang folk medicine dahil mayroon itong extract mula sa mga all-natural plants tulad ng guava, rosehips, red acerola cherry at ashitaba at high quality na calcium ascorbate na non-acidic at non-synthetic na Vitamin C.

Ang bawat capsule ay metikulosong pinoproseso sa isang Food and Drug Administration – License to Operate, Good Manufacturing Practice at Halal-certified Facility.

Ang Hyssop Vitamin C capsuly ay mayroong Certificate of Product Registration (CPR) mula sa FDA.

Facebook Comments