Vlogger na si Crisha Uy, nagsalita na tungkol sa pagbabalikan nina Joem Bascon at Meryll Soriano

510

Aminado ang vlogger na si Crisha Uy na magkahalong gulat at galit ang kanyang naramdaman matapos malaman na nagkabalikan ang kanyang ex-boyfriend na si Joem Bascon at Meryll Soriano.

Sa isang vlog, ikinuwento ni Crisha na bago pa man lumabas ang litrato ni Joem at Meryll kasama ang kanilang baby ay alam na niya ang tungkol sa relasyon ng dalawa sa tulong ng ilan nilang kaibigan.


Aniya, lalo lamang niyang nakumpirma ang ginawang pagtataksil ng kanyang dating karelasyon nang lumabas na ang larawan ng tatlo.

Bagama’t bumalik aniya lahat ng sakit ay tiniyak ni Crisha na naka-move on na siya matapos ang isang taong hiwalayan.

Facebook Comments